habang sumasakay sa isang maliit na dyip nang nagbaha na tila ilog sa makiling.

ewan, parang nalulungkot na natutuwa, naiinis at nagtataka.
may nabasa lang akong maikling sulatin ng isang di kilalang manunulat.
sa mga sulat, nasasabi ng mga tao [halos] lahat ng gusto nilang sabihin
sa makakatanggap nito.

minsan, ito lang ang tanging paraan para makapagusap ang dalawang tao na
nagkahiwalay dahil sa kung anumang pangyayari. ngunit pilit parin nilang
magpalitan ng saloobin sapagkat kelangan ito ng isa’t isa para hindi mabaliw,magtaka,malungkot at maging masaya.

ang mahirap lang dito ay malaman kung tunay na saloobin ng isa’t isa ang
pinapadala nila o tangin sinungaling lamang upang mabigyang seguridad sa
kung anumang bagyan na importante sa dalawang ito.

mahirap na nga sabihin kung nagsisinungaling ang isang tao kapag naguusap
harap harapan. papano pa kung ang iyong kausap ay mga titik na tuloy tuloy na nagsasalita at iniisip na lamang kung papano ito sinasabi ng manunulat?

tiwala na rin siguro ang mamumukudtangi sa lahat ng ito. siguro kung maganda
ang nasimulan, kaihit anung gulo o pangyayari ang nagsanhi ng paghihiwalay,
taus-puso ang lahat ng nilalaman nito.

parte ng [ganitong] buhay? isinasara na ba ang aklat nito at kahit kailan ay di na bubuksan?

may ilan ilang bagay ang pumasok sa utak ko bago ako makatulog. iilang tao at isang kanta. at ngayon ako’y nakikinig ng isa pang kanta upang malimutan ang unang kanta na natatak sa ulo ko.

hindi ko namalayan nakatulog na pala ako at nalaman ko nalang ay nasa gitna na ako ng isang "conspiracy at action movie tungkol sa gobyerno at isang parating na natural disaster" sunod no’n, nasa bundok na ako ng makiling at nagiintay ng isang dyyip pa baba ng malubkas na daan nito. kasama ang dalawang kaklase sa UP at noong Highschool. muntik na kaming dumiretso sa isang baha na tila ilog at bualik nalamang sa pinanggalingang daan, diko namalayan na bumaba na pala ako at nasa isang lugar na malapit lang doon sa baha. naligo at nagpalit, paglabas ng banyo, andun siya sa kuwarto. hindi ko alam, parang nagusap kami na tila buhat buhat parin ang mga alaala na nangyari ng nakaraan. nagusap kami na parang ang lahat ng tao’y nakatitig sa amin,iniintay ang unang salita na lalabas sa aming labi at kating kati na ito banatan. ipinikit ko ang aking mata at nagising. muling natulog at napadpad sa greenbelt, may naalalang pangyayari at gusto mangyaring pangyayari, gusto nga ba o nararapat lamang? hindi ko alam. sunod no’n, mali ang binabaan kong overhead pass at biglang nakita ang sugarfree galing sa isang gig. kinuha ko ang bass guitar at hinabol uli sila upang sulatan ito ng ikalawang beses. wala silang ibang kasama, kung kaya’t hinabol ko lang sila umikot sa isang buong block kumbaga nililigaw ako, at pagkatapos nun lumiko kami sa kanan at nakita ko ang isang kalsada na puro bricks. paakyat ito pakaliwa. at doon nakita ko ang kanilang mga kaibigan, managers, girlfriends at siguro sobrang close groupie. may nakita rin akong rectangular na lalagyan ng mga halaman, at isang asul na letter b na spraypainted sa orange na pader. at isang tubong nakasara ng bakal na asul rin ata. katapat nito ay ang tambayan/recording sutdio nila. andun lang ako. naalala ko pa ang isang tao, sapagkat alam kong gustong gusto niya makita ito ngunit hindi ko naman alam kung papano pupunta dito nang dumating ang isa kong "kaibigan"(?) na panatiko rin nila. narinig ko silang kumanta, ang ganda ngunit hindi ko makilala, bago ba ito? at isa pang kanta, acoustic? ang ganda rin. siguro lahat lyrics ng ito’y nanggaling lamang sa mga nangyari nung gising pa ako. ng kinikilala ko ang kanta ay sya rin ikinasama kong magising.

masaya, nalulungkot, nagugulumihan, nagbasa ako.

Leave a Reply