Now I know what was missing! (Hyper post)
Wednesday, February 8th, 2006"You Will be greater than the man in this bill"
yan yung sinulat ni Acel kanina sa 200 peso bill na pinaautograph ko sa kanya after the YoJam.
The past few weeks, I’ve been dwelling upon things na I think hindi ko pa nakakamit, or parang kelangan ko at this instant. Inisip ko ba kung sufficient na ba kung manligaw ako ngayon, or parang ang girlfriend ba ay enough? based dun sa recent experience ko, mejo hindi. may kulang parin talaga. siguro nga, mejo kulang na ako sa connections sa tao sa UP and all around, sumali si tantan sa org. natuwa, pero kulang parin. ay sus, nagbabad ako sa DotA, Ps2, nakow, lalo na internet. kulang parin. habang nangyayari lahat un, xempre, naisip ko din, mag Quench kaya ako? (Quench is a weekly gathering of YFC’s for spiritual replenishment) kaso, gabi gabi na ako umaatend ng Judo training, wala na rest. ayun, di na ako pumunta. niyaya din ako tumugtog last friday, kaso, di ako ready, pati, parang wala sa kalooban ko. occupied ako sa pagiisip kung ano ba yung nagkukulang pa.
Mga 2 weeks ago, Ria Borromeo, dati kong schoolmate nung HS, nakatxt ko siya. wala lang, kwentu-kwentuhan lang. kamusta musta. hehehe. tapos, she invited me sa Youth Jam. Galing na ako dun last last year ata, si Francis pa ung naginvite sakin, kasama ko si ponga nun, ehh, acoustic night sila nun kaya, hmmm, pano ko ba sasabihin, okei lang siya, pero there was nothing special, just the fact na super warm nila, lahat nakikipag kilala sa isa’t isa ayun. gusto ko sana pumunta kaso, nagkaroon ng schedule conflict kaya di natuloy. sabi ko next time nalang. kaya ayun ininvite nya ulit ako for a YoJam Today.(kanina lang) tapos sabi ko, sure! nagpromise ako na pupunta kasi ako, pati mukha namang masaya, pinagusapan na kasi namin ni Ria kung ano meron, kaya sure, let’s Go! after nun, dinagdag pa niya na pupunta si Acel of Moonstar88 dun, WOW! as in, nawindang mundo ko, 1st year palang ako (or 2nd) mahal ko na yung babaeng yun! hahaha. at di ko akalain na makikita ko siya in person besides sa concert, (yung tipong abot kamay na?) ehdi nag dagdag to sa enthusiasm ko pagpunta.
ayun, ehdi kanina, 4pm, papogi si tantan. pakyut, may pa mouthwas mouth wash pang nalalaman. tapos nakita si paopao nang papunta dun, kaya yun sinama ko na.
…….. ehdi YoJam na. (diko na siguro eelaborate maxado to, gusto ko na mangaral sa sarili eh. hehehe. baka mawala pa)
balik tau dun sa pinagmumunihan ko, anong kulang? ano nga ba? at ayun, sinabi ni Acel, parehong parehong sitwasyon, at parehong parehong solusyon. Siya. ang nasa taas. the Big Guy, the Alpha and Omega, everybody’s best friend, God.
(waw, haba na nang blog ko, eh, wala pa ako dun sa best part!)
Well, ayun tama si God nga ang kulang. actually, naging complete na ung buhay ko dati nung super active ako sa YFc kaso, bigla ako binagyo ng acads, DotA at Judo kaya nabasawasan ung oras ko kay God. I have no one to blame except myself. and now, with much Thanks to Ria, the YoJam rekindled my Faith back to Him.
Thanks Ria. (God’s Gift ka nya sakin
)
Everybody has their own personal dream. it could be a secret or not. that dream is something that you think is hard to achieve yet nothing will stop you in getting to do so. A dream is sometimes far from reality, something not plausible, something impossible. But based from the very word of Adidas™, "impossible is nothing" kulang to, "With God, impossible is nothing", yan. This is so true.
Kung mababasa nyo yung profile ko sa friendster, i wanted to meet the Whole band of Moonstar88, MEET, pangarap lang yun dati, katulad ng Sugarfree, pero anong nangyari, nang pumunta ako ng YoJam, WITH GOD, my dream came true. Weird no? hehehe, coincidence? di siguro. siguro parang patikim palang ni God yun, para magbalik loob ako sa kanya, once na I do so, there will be better things. Sabi nga kanina, if you think your life is great as of now, God has something even better than what you think is already great. And I do believe so.
With God, you can achieve anything and be more than something you will be.
"You will be greater than anything you could imagine with God by your side."
———
Namiss ko sila. sino? Sila JC at HS. =)
Hehehe, it was just what I needed. I feel… complete.
Wow. ang galing no?
Have a great great day everyone. =)